NEWS
  • 15 Jan, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

Pagpupugay sa Pagbubukas ng taong 2024 - Disease Surveillance

January 15, 2024

Isang pagpupugay sa pagbubukas ng taong 2024

Ang inyo pong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice-Mayor Christopher Ramiro at ang Sangguniang Bayan, kaagapay ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ay lubos na nagpapasalamat sa Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Rica P. Pamatmat dahil sa kahusayang ipinamalas nila pagdating sa Disease Surveillance lalo't higit sa paaralan ng Kalayaan District sa pamumuno ng Public School District Supervisor Dr. Bernon G. Bernon Abellera na tumulong upang mapaigting ang Disease Surveillance sa mga paaralan.

Kung kaya't ang inyo pong lingkod ay bumabati at nagpapasalamat sa kasipagan at kahusayan ng mga taga Municipal Health Office, sa mabilis na pag kontrol ng pagkalat ng mga sakit na maaaring magdulot ng epidemya sa ating bayan.

Dahil ang Bayan ng Kalayaan ay Bayang may Disiplina at may Malasakit.

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan