NEWS
  • 24 Apr, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

Pakikipag Ugnayan sa Department of Agrarian Reform (DAR) Provincial Office, Sta Cruz, Laguna.

April 24, 2024

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Sa atas ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ay nakipag ugnayan po ang inyong Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pamumuno ni EA-II/ Sectoral Officer Angelito Presoris sa Department of Agrarian Reform (DAR) Provincial Office, Sta Cruz, Laguna.

Kasama ang pamunuan ng Sitio Balatkahoy Farmers Association ay nagkaroon po tayo ng pagkakataon para sa isang dayalogo at konsultasyon kay DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer II Mr. Saturnino Bello hinggil sa usapin ng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ng Sitio Balakahoy na mariing tinututulan ng pamunuan ng UP Land Grant.

Nangako naman ang tanggapan na pag-aaralan at tututukan ang usaping ito upang sa lalong madaling panahon ay magkaroon ng tamang desisyon hinggil dito.

Maraming salamat po.

#SPL "SerbisyoParasaLahat"

"BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit"

#OneKalayaan