NEWS
  • 22 Feb, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

Memorandum Of Agreement sa NAPC

February 21, 2024

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Kahapon,ika-20 ng Pebrero 2024 bilang kinatawan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ang Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pangunguna ni EA-II/Sectoral Officer Angelito Presoris ay personal na nagtungo sa isang courtesy visit/meeting kay Secretary at Lead Convenor Ka Lope Santos III ng National Anti-Poverty Commission.

Matagumpay po nating nasiguro ang muling pagpasok ng LGU sa isang Memorandum Of Agreement sa NAPC upang tayo ay maging benepisyaryo ng ahensya sa kanilang mga programa laban sa kahirapan at kaunaunahang LGU sa Calabarzon na magkakaroon ng poverty alleviation partnership programs sa NAPC sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Patuloy lamang ang inyong lingkod sa pagsuporta at paniniguro ng mga programa at mga ayuda para sa ating mga kababayang Kalayaeño.

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan