PAGTATAPOS 2023 97th COMMENCEMENT EXERCISES LONGOS ELEMENTARY SCHOOL TEMA: GRADUATE NG K-12: HINUBOG NG MATATAG NA EDUKASYON
Hulyo 11,2023
PAGTATAPOS 2023
97th COMMENCEMENT EXERCISES
LONGOS ELEMENTARY SCHOOL
TEMA: GRADUATE NG K-12: HINUBOG NG MATATAG NA EDUKASYON
Bilang kinatawan po ng inyong lingkod, personal pong tinungo ng ating Tourism Officer G. Herben C. Dela Paz ang pagbibigay ng mensahe ng pagtatapos para sa ating mga mag-aaral. Tayo po ay nagagalak dahil mayroon nanaman tayong mga mag-aaral na tatahak sa mundo ng sekondarya.
Sa inyong mga magsisipagtapos,nagsikap kayong mabuti upang marating ang espesyal na araw na ito.Lahat ng inyong natutunan ay magagamit ninyo sa hinaharap. Nagsisimula pa lamang ang inyong mga buhay na magbubukas sa marami pang pagkakataon para kayo ay umunlad sa iba't ibang larangan.
Sa panibagong yugto ng inyong buhay, sa mga bagong hamon na inyong haharapin, sa panibagong pamayanan na inyong pakikisamahan, sa mga bagong kaibigan na inyong makikilala, lalo't higit sa mga bagong karunungang inyong makukuha, nawa'y lagi ninyong isa puso ang tema ng inyong pagtatapos na: Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng matatag na Edukasyon".
Magiging matatag kayo palagi sa landas ng inyong tatahakin. Hindi madali ang buhay. Maraming pagsubok ang inyong pagdaranasan. Ngunit ang inyong anim na taong pananatili sa inyong mahal na paaralang Longos Elementary School, ang mga guro kamag-aral, mga magulang at ang mga kaalamang inyong natutunan, ay ang inyong magiging sandata upang mapagtagumpayan ang hinaharap sapagka't kayo ay hinubog ng isang matatag na edukasyon!
Muli, binabati ko kayo sa inyong matagumpay na pagtatapos at sa marami pang tagumpay na darating sa inyong buhay!
Pasasalamat din sa ating District Supervisor Dr. Bernon Abellera Principal I Christopher G. Adofina mga guro ng paaralan ng Longos Elementary School.
Maraming salamat.
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"