NEWS
  • 12 Oct, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

'MAYOR SANDY'S PROGRAMANG LIIVELIHOOD: MEAT PROCESSING'

October 12, 2021

'MAYOR SANDY'S PROGRAMANG LIIVELIHOOD: MEAT PROCESSING'

Isang mapagpalang araw mga minamahal kong Kalayaeños!

Sa pangunguna ng inyong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan ay isinagawa at naisakatuparan ang ating 'Mayor Sandy's Programang Livelihood: Meat Processing' para sa ating mga kababayan dito sa ating Bayan ng Kalayaan.

Ito ay nilahukan ng Samahan ng Solo Parents at Samahan ng Kababaihan. Ang programang ito ay pinangunahan ng ating Sectoral Section sa tulong at pangunaguna ng ating Sectoral Officer, Angelito Q. Presoris. Pasasalamat din kay G. Wilmer P. Sadsad sa paglalaan ng kanyang oras at pagbahagi ng kanyang kalaaman tungkol rito.

Hangad namin na ang programang ito ay makapagbigay ng sapat na kaalaman sa ating mga kalahok upang makatulong sa pagsisimula nila ng bago at dagdag na pagkakakitaan. Hindi hadlang ang banta ng pandemya upang ang ating Pamahalaang Bayan ay patuloy na makapagbigay tulong at serbisyo.

Maraming Salamat po!

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan