"LOCAL HEALTH BOARD MEETING"
uly 19, 2024
"LOCAL HEALTH BOARD MEETING"
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeño!
Matapos na basahin ang Previous Minutes ni Ma. Jene Ragasa hinggil sa inilahad ni Rica Abadier Paraiso-Pamatmat para sa gagawing Executive Order sa umpisa at magiging Ordinansa sa susunod na mga buwan para sa BHW Registration and Accreditation, mga Rules and Regulation na nasa ilalim ng R.A. 7883 o Barangay Health Workers Benefit and Incentive Act of 1995, ay pinukpukan ng Inyong Lingkod Mayor Sandy Laganapan sa pagmumungkahi ng SB on Health Darwin Ponceh na pinangalawan naman ni Kon. Vheely Cabamalan at sinang-ayunan ng lahat ng naroroon sa pagpupulong.
Napagusapan din ang Universal Health Care (UHC) Law o R.A. 11223. Eto ay naglalayon na mabigyan ang lahat ng Pililino na magkaroon ng Health Insurance para makamit ng ating mga kababayan ang serbisyo na sasakop sa libreng konsultasyon, paglalabortoryo at iba pang diagnostic services sa ilalim ng Philippine Health Insurance Company o PhilHealth. Marami pang magiging benepisyong matatanggap ang Tanggapan ng Pangkalusugan kung masisiguro muna na makakatupad sa mga requirements ng Philhealth at DOH. Sa mga nailahad ay kakailanganin ang tulong ng Punong Bayan at ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng mga Ordinansa at MOA sa iba pang ahensya ng gobyerno upang makamit ang Serbisyong Pangkalahatan.
Malaking tulong din ang pagdalo ni Dr. Vicente Belizario, Jr, dating Dean at ngayon ay Professor ng UP Graduate School ng Manila at ng ating Pinuno ng DOH sa Lalawigan ng Laguna, Dr. Marilou Espiritu at ng mga kasama, upang magbahagi ng kanilang kaalaman hinggil sa nasabing usapin.
Nilahad din ng ating Punong Manggagamot ang mga pamantayan sa pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayan. Hindi lamang sa mga bagong panganak na bata kundi para sa lahat ng mamamayan ng Kalayaan gaya ng mga kabataan, buntis at senior citizen.
Nais niyang makagawa ang ating bayan ng isang Ordinansa na magpapatibay sa mga serbisyong Pagbabakuna ng Tanggapan. Kailangang maiparating sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng bakuna para makaiwas sa mga sakit gaya ng tuberculosis, polio, measles at iba pa.
Tuluytuloy ang suporta ng Inyong Lingkod kasama ang Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng ating Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga programang higit na makatutulong sa bawat mamamayan ng Kalayaan.
Maraming salamat po!
#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"