NEWS
  • 04 Nov, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

NOBYEMBRE 04, 2024

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

Isang mapagpalang araw minamahal kong Kalayaeños!

Ngayung araw ating sinimulan ang umagang ito sa isang makabuluhang gawain na pinangunahan ng Rhu Kalayaan Laguna sa pangangasiwa ni Dra. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat at sa tulong ng kanyang mga kasamanahan.

Kasabay nito atin ding inalala at mataimtim na ipinagdasal ang bawat pamilya, kaibigan at mga nasawi sa pag hagupit ng bagyong si Kristine nitong nag daang linggo kaya ating isinagawa ang pag hahalf-mast ng ating watawat upang magpakita ng pakikidalamhati sa lahat ng mga ng mga nakaranas ng sakunang ito.

Walang ibang hiling ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan kundi ang ikabubuti nating lahat, nawa ay mabilis na maghilom ang lahat ng sugat at sakit na dala ng sakunang ito, at sama sama nating harapin muli ang bukas na may ngiti sa ating mga labi.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan