NEWS
  • 21 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LIGTAS SI CHIKITING SA BARANGAY SAN ANTONIO"

Mayo 21, 2024

"LIGTAS SI CHIKITING SA BARANGAY SAN ANTONIO"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Noong nagdaang Mayo 13-14, 2024 nagsagawa ang ating Rhu Kalayaan Laguna sa pangangasiwa ni Dra. Rica Paraiso Pamatmat ng pagbabakuna sa mga bata ng Barangay San Antonio. Umabot ng 205 ang bilang ng mga Chikiting na nabakunahan laban sa Polio sa ilalim ng programangn ito at naniniwala ang inyong lingkod na kaya pa natin itong madagdagan para lahat ng bata ay ligtas sa Polio.

Alam naman nating lahat na ang polio ay posibleng magdulot ng kapansanan o pagkamatay kapag hindi naagapan. Tanging bakuna ang tanging solusyon upang maiwasan ang mga sakit na gaya nito

Kaya hinihikayat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sanguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramirogayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ang bawat magulang na Kalayaeño na pabakunahan ang inyong mga anak na wala pang limang taong gulang ng dagdag bakuna kontra rubella, polio, at tigdas.

Maraming salamat po!

#OneKalayaan

#VaccinesSaveLives

#opvsia2024

#chikitingligtas2024

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang masy Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan