NEWS
  • 19 Feb, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

LGU at NAPC sa isang Memorandum Of Agreement - National Anti-Poverty Commission (NAPC)

February 14, 2024

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw ay nakipag-ugnayan sa inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ang mga kinatawan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) - National Urban Poor Council member Ms. Carol M. Olicia at Mr. Red Lasay, Events and Protocol at LGU Coordinator para sa isang Coordination Meeting. Tinalakay sa pulong ang muling pagpasok ng LGU at NAPC sa isang Memorandum Of Agreement upang ang Bayan ng Kalayaan ay maging benepisyaryo sa mga programa ng ahensiya laban sa kahirapan kagaya ng mga proyektong pabahay, inprastraktura at pang agrikultura.

Muli,Maraming salamat po.

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan