NEWS
  • 08 Jun, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program

June 07, 2023

Isang mapagpalang arawinamahal kong Kalayaeños!

Bilang kinatawan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan ang Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pamumuno ni Sectoral Officer Angelito Presoris ay nagsawa ng assessment ng Samahang Bagong Pagbubuklod ng Sitio Magalolon at AGAP Farmers Association para sa implementasyon ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program ng Department of Agriculture.

Katuwang ang Municipal Agriculturist Office sa pamumuno ng Pambayang Agrikultor Bb. Liza L.Yee, layunin ng programa na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga nasa sektor ng pangingisda at pagsasaka sa pamamagitan ng paglalapat ng mga modernong teknolohiya, pinansyal na tulong at kapital, pamamahagi ng makinarya, mga sayantipikong pag-aaral at pagpapatayo ng mga inprastaktura gaya ng post harvest facility at farm to market road.

Patuloy po ang pangangalap natin katuwang ang bumubuo ng Sangguniang Bayan Member sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro ng mga programang makapag papaunlad ng kabuhayan ng ating mga kababayan.

Maramaming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan