NEWS
  • 23 May, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

DTI Laguna - Consumer Education and Business Management Seminar.

May 22, 2023

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw ay pinangunahan ng inyong Sectoral Section Kalayaan Laguna katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) Laguna ang programang Consumer Education and Business Management Seminar.

Layunin ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan na matulungan ang ating mga kababayang may maliit at malaking negosyo na mapangalagaan at mapalago pa ang kanilang Negosyo. Dito rin ay tinutulungan ang mga negosyante na makalapit sa mga ahensiya ng gobyerno para makatanggap ng tulong pinansiyal o kaya naman ay mga kagamitang maaaring gamitin sa pagnenegosyo.

Pasasalamat sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan Sectoral Officer Angelito Presoris sa patuloy na pag-aasikaso ng mga ganitong programa.

Patuloy po ang pangangalap natin ng mga programang makapag papaunlad ng kabuhayan ng ating mga kababayan.

Muli,maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit"

#OneKalayaan