"BHW GRADUATION CEREMONY"
July 19, 2024
"BHW GRADUATION CEREMONY"
Isang mapagapalang araw, minamahal kong Kalayaeño!
Pagbati sa mga luma at bagong Barangay Health Workers ng Kalayaan!
Ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, sa pamamagitan ni Sectoral Head Angelito Presoris kasama si Vice-Mayor Christopher Ramiro, at SB on Health Coun. Darwin Ponce at sa buong suporta ng ating pambayang administrador Bb. Kris Anne Laganapan Pesigan ay malugod na binabati ang Isangdaan at labingisa (111) ng Barangay Health Workers (BHW) na. Nag sipagtapos ng pag sasanay sa New Reference Manual for BHW, para maka tugon aa Universal Health Care Act.
Batid ng inyong lingkod ang kahalagahan ng bawat isa sa inyo upang mapanatiling malusog ang bayan ng Kalayaan, dahil kayo ang mas lubos na nakakaalam ng katayuan at panganangailang pangkalusugan ng inyong mga nasasakupan households, alinsunod sa itinakdang Seven Priority Health areas ng Department of health. At ito ay lubos ninyong napag tagumpayan dahil sa maaayos na pamamalakad at patnubay ng ating pambayang mang gagamot. Dra. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat kaagapay bilang BHW Coordinator at pampublikong Nurse ng ating bayan Gng. Edelane Ratac Acueza at lahat ng health staff ng RHU Kalayaan.
Pasasalamat din po sa RHO4 Calabarzon, sa pamamagitan ni Bb. Niña Rheamer V. Salem (DMO) at sa PHO- Laguna, para sa pag papadala ng mga resource speakers, upang mag bigay ng dagdag kaalaman at pag sasanay sa mga masisipag ng BHW, at sa mga kapitan ng bawat Barangay sa suportang ibinigay nila sa kanilang mga BHW.
Sa Longos Elementary School, sa kanilang school principal Dr. Christopher Adofina sa pagpapahiram ng kanilang mga classroom para sa venue.
At higit sa lahat sa isang NGO na Relief International sa pag sponsor ng apat na araw pag sasanay sa pangunguna ni Mr. Cesar Angelo Augere.
Muli ako ay lagi ninyong kaisa para sa kalusugan ng ating munting bayan, tungo sa pag unlad.
Maraming salamat po!
#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"