NEWS
  • 23 May, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) Laguna Lake Seeding of Bangus Fingerlings mula sa BFAR

May 23,2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Buong pusong pinangunahan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang Tanggapan ng Agrikultura sa pamumuno ni Gng.Liza L. Liza Laitan Yee at ng ating Sectoral Officer Angelito Presoris ang Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) Laguna Lake Seeding of Bangus Fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR.

Ang programang ito ay handog para sa ating mga kababayang mangingisda bilang pagsuporta sa kanilang kabuhayan.Malaking tulong ito para sa kanilang pamilya kaya naman lubos ang aking pasasalamat sa Tanggapan ng Agrikultura at lalong lalo na sa BFAR.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan

Maraming salamat.