NEWS
  • 21 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"BAKUNAHAN LABAN SA POLIO SA SITIO KALAYAAN BARANGAY SAN ANTONIO"

MAY 21, 2024

"BAKUNAHAN LABAN SA POLIO

SA SITIO KALAYAAN BARANGAY SAN ANTONIO"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Ikinagagalak na ibalita ng inyong lingkod na may 98 Chikiting ang nabakunahan laban sa Polio sa Sitio Kalayaan nitong nagdaang Mayo 15, 2024 alinasunod sa programa ng ating Rhu Kalayaan Laguna sa pangangasiwa ni Dra. Rica Paraiso Pamatmat.

Kaya mga BakuNanay at PapaVaccine, ano pang hinihintay nyo? Pabakunahan na ang inyong mga Chikiting!

Dahil ang pagpapabakuna ang pinakaepektibong paraan laban sa mga vaccine-preventable diseases (VPDs).

Dahil sa dagdag bakuna laban sa Polio, si CHIKITING ay siguradong PROTEKTADO!

Patuluy parin ang paghikayat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrado Kris Anne Laganapan Pesigan na pabakunahan ang inyong mga anak laban sa mga sakit na ito.

Maraming salamat po!

#VaccinesSaveLives

#opvsia2024

#chikitingligtas2024

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan