REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KALAYAAN LAGUNA
Philippine Standard Time
βππππππ πππ πππ ππππππππ ππππππππβ
December 11, 2025 - 07:50 AM
βππππππ πππ πππ ππππππππ ππππππππβ
Isang mapagpalang araw, minamahal kong KalayaeΓ±os!
Kahapon ika-09 ng Disyembre 2025 ay nagkaroon ng Manila Bay Day Awarding Ceremony sa Lipa City Batangas ang mga natatanging municipalidad at syudad sa CALABARZON. Bilang pagtugon at pagganap natin sa mandato at tungkulin sa ilalim ng mga batas pangkalikasan kaugnay sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program. Kaya naman tayo po ay muling kinilala at pinagkalooban ng Platinum Award (1st place) bilang isang Top Performing Municipalidad sa lalawigan ng Laguna.
Ang Bayan ng Kalayaan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang pangalawang Punong Bayan Christopher Ramiro at Sangguniang Bayan Members, Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan, MLGOO Jennifer Z. Tolentino at sa tanggapan ng MENRO sa pamumuno ni Gng. Reinelsa Barojabo Corpuz at sa kanyang mga kasamahan. Maging sa bumubuo ng MBAI Task Force Team, Gng. Jhermelyn Boado/Provincial Sanitation Inspector I para sa Liquid Waste Management at Gng. Nirma Fullo Segura /Municipal Assessor - Focal Person ng Informal Settler Families. Lubos din ang pasasalamat sa tatlong barangay, Barangay San Juan, Barangay San Antonio at Barangay Longos. Maging sa mga paaralan at sa ibang samahan na aming nakatuwang.
Asahan po ninyo na patuloy nating pag-iigtingin ang mga hakbang tungo sa mas malinis na kapaligiran dito sa Bayan ng Kalayaan. Disiplina at malasakit ang siyang tanging kailangan para sa ikakatagumpay ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program. Hindi lang para sa ngayon, lalo't higit sa susunod na henerasyon.
Maraming Salamat Po!

